Friday, November 16, 2007

XMAS FENGSHUI tips.... from Emily!

Time for sharing... Christmas is just around the corner! Handa na ba kayo sa mga Christmas decorations ninyo?! Ok... here's Emily's tips...

Friendster Graphics

hi mel,kamusta na ulit kayong lahat dyan?malapit na ang christmas.alam kong di ka pa nakakapag decorate kaya bibigyan kita ng ilang xmas FENGSHUI tips:

ROUND o OVAL TABLE ---maswerteng hugis daw ito kase nagsasaad ng kasiyahan sa buong pamilya.wag maglagay ng kandila sa ibabaw kase di nag aanyaya ng positive energy
SQUARE TABLE at RECTANGULAR ---masayang hugis ito at mas mainam kung lalagyan ng kandila sa ibabaw as decor.


ang BLUE decor sa xmas tree,magandang decoration pero di nararapat dahil nag aanyaya ng negative energies
ang RED,GOLD at GREEN masasayang kulay at LUCKY COLORS ng pasko.
ang RED at GREEN na kumbinasyon maging ilaw o xmas balls ay sadyang maswerte rin,ganoon din ang kumbinasyon ng GOLD at RED kahit walang green.
subalit ang GOLD at GREEN na walang RED ay di dapat sapagkat itoy magdudulot ng misfortune atdistraction sa buhay.

ang XMAS TREE ay di dapat nakalagay sa tapat mismo ng inyong front door.di rin ito dapat ilagay sa sentro ng bahay o nakagitna.di rin sya advisable na ilagay sa gawing kanan ng dingding ng bahay.

OUTDOOR LIGHTING :
pinakamainam na dekorasyon ang paglalagay ng ilaw sa entrance door ng bahay.at ang pinakamagandang ilagay dito ay ang PAROL o STAR LANTERN na may liwanag.mabuti din na hayaang nakailaw ito sa magdamag dahil magbibigay ng liwanag sa inyong kabahayan at di magdudulot ng lungkot sa pagsapit ng pasko.

iwasang maglagay ng mga BLINKING LIGHTS sa inyong garden lalo na kung ang punong paglalambitinan ng inyong xmas lights ay nagbubunga.di ito kasi nakabubuti sa spirits ng mga halaman at naiistorbo ang kanilang pamamahinga.

ang NON-BLINKING LIGHTS ay mainam dahil bukod sa maganda na itong tingnan ay di pa nito naiistorbo ang kapayapaan at spirits ng halaman at garden....

yun lang ,kaya pagpapalitan mo na yung mga nag bi-blink mo sa puno...
MERI XMAS....hohoho !!

No comments:

Post a Comment